Naranasan mo na bang ngumiti na lang bigla habang nakatingin sa kawalan? Ang sarap ng feeling kapag bigla na lang may nagf-flashback sa utak mo. Mga bagay na sa tuwing naaalala mo, gustung-gusto mong balikan, ma-experience ulit, gusto mong i-record para i-play na lang nang paulit-ulit. Kaso, sadyang may mga bagay na nakatadhanang maranasan lang natin, na kahit ga'no kasaya, dapat o nakatadhana na hanggang alaala na lang.
Nakakainis. Nakakainis kapag alam mong hindi na pwedeng mangyari ulit 'yung bagay na 'yun. Sana nga naimbento na lang yung time machine eh, para sa kahit anong oras na gusto natin, pwede natin pindutin yung "flashback button" at "stop" para panoorin muli o mapunta tayo sa sitwasyon na pinakagusto natin. Aaminin ko, isa ako sa mga taong naghahangad na magkaro'n ng time machine kaso nga lang, hindi mo rin maalis sa aking isipan na maaaring may mga bagay na magbago kung sakaling maiimbento iyon. Sabi nga nila "The best album are memories" kaya mas maganda na rin na kapag nalulungkot tayo o nag-iisa, buksan lang natin yung album na 'yun at ngumiti habang inaalala yung mga pangyayarin na minsan ay nagpasaya, nagpangiti, at nagpatawa sa atin.
"Memories fade, but they're never lost"