CANDY CRUSH - Isang larong usong-uso hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa mga pusong bata. Pero hindi lang 'to basta laro. Hindi man natin nahahalata, bawat level may dalang iba-ibang pagsubok -- pagsubok na hindi natin namamalayang humahasa na pala sa'tin.
Sa tuwing nabibigo akong tapusin ang isang level, nandun yung lungkot at pagka-disappoint lalo na nung konti na lang matatapos mo na. Pero syempre, kapag naka-survive ka at nakatapos, laging nandun yung ngiti at tuwa lalo na kung paulit-ulit mong sinubukan.
Subukan natin itong ikumpara sa totoong buhay. Hindi ba may mga pagkakataon din na nabibigo tayo? Yun bang akala natin end-of-the-world na pero sa totoo lang, hindi pa. 'Pag nabigo ka may lungkot,, may hapdi, at kung minsan ay may luha pa. Pero kapag naka-survive naman tayo o na-achieve ang bagay na gusto natin, may ngiti, may galak, at may tuwa.
Sa totoo lang, dapat nating gamitin yung attitude natin kapag naglalaro ng candy crush -- yung hindi basta basta sumusuko kasi hangga't may life na full, may pag-asa, kayang-kaya natin makalagpas.
-Jen ♥