Napakasarap magbakasyon pagkatapos ng napakahaba at makabuluhang school year. At sa sobrang sarap at saya, syempre hindi mawawala yung tatanungin ka ng guro mo na "Anong ginawa mo nung bakasyon?" sa bawat sulatin na papagawa sa'yo. Syempre, simula pre-school hanggang kolehiyo, hindi mawawala yung tanong na 'yan at maaari na rin nating sabihin na bahagi na 'yan ng ating buhay sa paaralan.
Isa lamang 'yan sa mga eksena na taun-taong nangyayari sa paaralan. Eto pa ang ang ilan sa mga 'iyon.
1. Mangangapit-bahay ka para makita ulit yung mga kabarkada mo o kaklase mo last school year.
2. Magkkwento ng mga karanasan habang bakasyon at magpapabonggahan ng resort o lugar na napuntahan. (Taray!)
3. Nung pre-school, paunahan umupo sa harap. Pag highschool na, paunahan umupo sa likod.
4. Hindi mawawala yung pagpapakilala, "Hi, my name is ______, you can call me _______, etc." kasama na dun yung mga talents mo, paborito mong kulay, pagkain, at kung anu-ano pa.
5. Pagddistribute ng locker keys. Minsan yung locker mo napakataas, minsan napakababa, pag swerte ka naman, ka-height mo lang.
6. Syempre, pagkatapos ng pagddistribute ng locker keys, magugulat ka na lang, konti na lang kayong nakaupo, kasi yung iba naglalagay na ng gamit sa locker.
7. Pagkatapos ng klase mo magpakilala, syempre magpapahuli pa ba sa teacher? Syempre hindi.
8. Magpapalitan na ng teacher bawat classroom. Ayun! Makikilala mo na teacher mo sa Math, SocScie, English, Filipino, etc.
9. Makakahanap ka ng favorite teacher o subject.
10. Sa recess, hanapan ng spot sa school. Chikahan with old and new classmates.
11. Sa barkada, ang pagkain ng isa, pagkain ng lahat.
12. Sa classroom, magsisimula na ang ingay, pwede rin namang makabuo ng mga grupo-grupo sa classroom katulad ng mga "geeks", "sosyalera", "weirdo" at pwede rin namang hindi dahil tanggap nyo ang isa't isa.
13. Pag dismissal na, maghihintay ka ng kasabay papunta sa gate o pauwi.
14. Pa-bonggahan ng kotse o ng sundo. Pero yung mga simple, jeep at tricycle ang sinasakyan.
15. At syempre pagkauwi mo sa bahay...NGANGA. Magpapahinga ka at makakatulog sa sobrang pagod. Pagkagising mo, papasok ka na naman.
Marami talagang mga bagay ang nangyayari sa paaralan, merong masaya, merong malungkot, at meron din naman "sapat lang". Pero, dapat pa rin nating pahalagahan ang mga kaganapang iyon dahil hindi natin alam na baka sa kasalukuyan ay makatulong ito upang makamit natin ang lahat ng ating nais marating sa buhay. 'Wag kalimutang mag-aral nang mabuti at makinig sa mga pangaral ng ating mga magulang at guro. Siguraduhing natapos nang maayos ang mga bagay na dapat nating gawin bago mag-lakwatcha. LOL :D Yun lang! Salamat sa pagbabasa! ♥
-Jen ♥