May mga panahon talaga na minsan masasabi natin yung mga salitang "malas" o "swerte". Malas, kasi may mga bagay tayo na gusto nating makuha o may mga pangyayaring hindi kanais-nais. Swerte. kasi yung mga bagay na gusto natin, hawak natin ngayon o may nangyari na hindi mo inaasahan na naabot mo o nangyari sa'yo. Pero totoo nga bang may swerte o malas?
Para sakin, walang malas o swerte dito sa mundo. Maaaring may mga bagay na hindi maganda pero para sakin hindi "kamalasan" ang tawag dun; ang tawag sa mga bagay na 'yun ay "pagsubok". Pagsubok kasi hindi man natin napapansin, gumagawa tayo ng paraan kung pa'no maayos ang bagay na hindi maganda. Halimbawa na lang nung nasiraan ka ng kotse pero nagmamadali ka dahil may importante kang lugar na dapat puntahan. Sa una pwede tayong makaramdam ng pagkalungkot o ma-disappoint pero hindi ba gagawa ka pa rin ng paraan kung pa'no makahabol. Minsan tatawag ka ng taxi, pwede ring sumakay sa jeep, o maglakad nang mabilis. Yun yung mga bagay na ginagawa natin kapag may pagsubog, sa madaling salita, humahanap tayo ng paraan. Kumikilos. Nagiisip. Sumusubok ng ibang bagay. Dahil kapag hindi pa maganda ang resulta ng mga bagay bagay, hindi pa ito ang katapusan. ♥
"BIYAYA o BLESSINGS". Para sakin, "biyaya" ang tawag sa mga bagay na tinatawag nating "swerte". Biyaya dahil may mga pagkakataon o pangyayari sa buhay natin na maganda o maayos ang kinalabasan dahil tinulungan tayo ng Diyos. Sa kanya galing ang mga pagsubok at biyaya dito sa mundong ginagalawan natin ngayon. Nakasulat sa larawan sa gilid "Luck is 90% something and 10% something else." Kung iisiping mabuti, sa buhay natin ngayon, para makamit ang isang blessing, 90% dun ang tulong ni God at 10% ang pagsubok. Kumbaga sa Math, ang equation ay GOD'S HELP + CHALLENGE = A BLESSING. Kailanman, dapat hindi mawala sa equation ng buhay natin si God dahil kung wala s'ya ay wala din tayo dito ngayon. ♥
SALAMAT SA PAGBABASA! :) SA UULITIN! ♥
SALAMAT SA PAGBABASA! :) SA UULITIN! ♥