Tao lang ako. Hindi ako perpekto. Para akong switch na on and off o see-saw na up and down. Hindi tumatakbo sa isang side ang pagkatao ko. Hindi lahat positive. Katulad ng gulong, paikut-ikot lang ako ─ minsan masaya, minsan malungkot, o minsan naman tama lang.
Mahirap manigurado dahil walang kasiguraduhan ang mga bagay sa mundo, oo wala. Pero hindi ibig sabihin nun bibitawan mo yung mga bagay na sa tingin mo ay walang patutunguhan kahit malayo na ang narating. Mahirap mag-isip kung ano ang mga susunod na mangyayari. Mahirap umasa sa mga bagay na imposible, sa mga bagay na "once in a blue moon" kung mangyari.
Mahirap maikumpara sa iba. Yung pakiramdam na parang lahat ng mga ginawa o gagawin mo pa lang ay walang saysay. Yung para bang nahihirapan ka nang gumalaw dahil sa tingin mo buong mundo nakatingin sa mga kahinaan mo. Mahirap yung naiipit ka sa dalawang sitwasyon: kung magpapatuloy ka dahil 'yan ka o kung magbabago ka dahil sabi nila may hindi tama. Mahirap maikumpara sa taong alam mong wala kang laban. Nakakalokong tanggapin na lahat ng mga bagay na mali ang siyang nakikita at naaalala ng karamihan.
Tao lang ako ─ may pakiramdam. Nasasaktan, umiiyak, at lumalaban. Kinakaya ko lahat ng mga pagsubok na dumaraan sa buhay ko.
Sadyang nakakaloko ang buhay. Akala nila okay lang pero nakakasakit na. Akala nila masaya ka pero malungkot ka. Akala nila nakakatuwa pero foul na pala. Akala mo maayos na pero di pa pala. Akala mo masarap na pero sabi ng iba may kulang pa. Akala mo tapos na pero may kasunod pa pala...
Akala mo mag-isa ka, pero nandito lang ako para makinig at umunawa sa'yo. Tao lang ako. Tao lang tayo. Kapit lang. Tiwala rin. :)
-Chips ♥