'Di pa talaga nags-sink in sa'kin na meron pa palang mababait na tao ngayon. Kasi yung ate ko nahulugan ng cellphone kanina habang naglalakad papuntang Retiro. Tapos hindi nya namalayan na wala na pala sa bulsa nya yung phone.
Pero pagkauwi nya, wala akong nakitang kaba o panghihinayang dahil siguro may nararamdaman s'yang magandang mangyayari. Siguro ganun nga talaga eh, kasi maski ako hindi 'ko matatanggi na minsan 'pag may nawalang isang bagay sa'kin nananatili akong kalmado kasi alam kong babalik din yun. Going back, after 3 hours, tumawag yung kaibigan nung ate ko sabi sa kanya tumawag daw yung nakakuha ng phone. Hindi ko alam kung pa'no nangyari yun kaya naman nagulat din ako, syempre bihira lang mangyari yun eh. So, yun, nakausap ng ate ko yung nakakuha ng phone nya at pinuntahan namin sa bahay nila kaya nakuha ulit ng ate ko yung cellphone nya. Hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari yun eh kasi nga bihira lang ang taong ganon.
Hindi namin alam kung saan nag-aaral yung girl and kung ano yung surname nya, pero thank you thank you thank you! salamat salamat salamat, Wyn! Sana makaabot sa'yo 'tong post na 'to. God bless you! ♥
-Jen
Hindi namin alam kung saan nag-aaral yung girl and kung ano yung surname nya, pero thank you thank you thank you! salamat salamat salamat, Wyn! Sana makaabot sa'yo 'tong post na 'to. God bless you! ♥
-Jen